Upang maibsan ang bigat ng gastusin ng mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa oras ng kalungkutan at sa panahon ng karamdaman, ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang tulong pinansyal na may kabuoang halaga na โ‚ฑ1.046 milyon para sa 521 benepisyaryo.

Para sa burial assistance, 58 benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-โ‚ฑ3,000, na may kabuoang โ‚ฑ174,000. Malaking ginhawa ang tulong na ito para sa mga pamilyang nagdadalamhati, dahil nakatulong ito upang maayos na maihatid sa huling hantungan ang kanilang mahal sa buhay.

Samantala, 463 benepisyaryo naman ang nakatanggap ng medical assistance na may kabuuang โ‚ฑ872,000. Ang halaga ng tulong ay nakadepende sa pangangailangan ng bawat pasyente:

โ€ข 10 benepisyaryo โ€” tig-โ‚ฑ10,000 (โ‚ฑ100,000)

โ€ข 6 benepisyaryo โ€” tig-โ‚ฑ5,000 (โ‚ฑ30,000)

โ€ข 16 benepisyaryo โ€” tig-โ‚ฑ3,000 (โ‚ฑ48,000)

โ€ข 263 benepisyaryo โ€” tig-โ‚ฑ2,000 (โ‚ฑ526,000)

โ€ข 168 benepisyaryo โ€” tig-โ‚ฑ1,000 (โ‚ฑ168,000)

Ayon sa mga nakatanggap, malaking tulong ang pinansyal na suporta dahil nabawasan ang kanilang alalahanin sa gastusin. Para sa mga may sakit, nagbigay ito ng pag-asa na maipagpatuloy ang gamutan. Para naman sa mga pamilyang nagluluksa, nakapagbigay ito ng kaunting ginhawa sa gitna ng mabigat na sitwasyon.

Patuloy na nagsusulong ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan, bilang patunay ng malasakit at pagkalinga sa bawat San Nicolanian.

#BurialAssistance#MedicalAssistance#AICS#HelpingTheNeedy#BringingTheGovernmentCloserToThePeople#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride