Bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan, isinagawa ang pamamahagi ng agarang tulong pinansyal sa kabuoang 2,009 benepisyaryo mula sa ibaβt ibang barangay ng San Nicolas.
Ang distribusyon ng ayuda ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng opisina ni Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas, Pamahalaang Lokal ng San Nicolas sa pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, at mga opisyal ng barangay.
βAng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program ay isang lifeline para sa mga pamilyang dumaranas ng matinding kahirapan, kalamidad, o biglaang pangangailangang medikal. Hatid nito ay pag-asa sa marami na nawalan ng kabuhayan, at ang tulong na ito ay naging daan para makabili ng gamot, pagkain, at pambayad sa utang,β saad ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez.
Sa gitna ng mga pagsubok, ang AICS Distribution ay patunay na may kakayahan ang pamahalaan na tumugon sa agarang pangangailangan ng mamamayan mula sa Brgys. Cacabugaoan, Cabitnongan, Calaocan, Siblot, Nining, San Jose, San Isidro, Bensican, at Salpad.
#AssistanceToIndividuals#CrisisSituations#BringingTheGovernmentCloserToPeople#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant
