Handa ka na bang maglakad sa altar ngayong taon ngunit alanganin sa budget? Matagal mo na bang pinapangarap na marinig ang mga salitang β€œIn sickness and in health… till death do us part”?

Sa San Nicolas, Pangasinan, hindi hadlang ang gastusin sa pag-abot ng iyong pangarap na kasal. Ang Pamahalaang Lokal ng San Nicolas sa pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ay magbibigay ng isang natatanging pagkakataon para sa 50 magsing-irog na tuparin ang kanilang pangarap na pag-iisang dibdib sa Kasalang Bayan 2026, gaganapin sa mismong Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

πŸ“Œ Paano sumali?

β€’ Magtungo kay Local Civil Registrar Bernardo Fabro sa Local Civil Registry upang isumite ang lahat ng requirements.

β€’ Tandaan: First-come, first-served basis ang pagpili ng mga slot.

⏳ Deadline ng Registration: Pebrero 3, 2026

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na magkaroon ng isang masaya, makabuluhan, at libreng kasal na tunay na alaala ng habang-buhay.

πŸ’– Simulan na ang pagplano para sa inyong espesyal na araw dahil ang pag-ibig ay karapat-dapat ipagdiwang nang buong puso.

#KasalangBayan2026#CivilMassWedding2026#TogetherForever#TieTheKnot#TillDeathDoUsPart#LibreAngKasal#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride