Sa patuloy nating pagsusumikap na mapabuti ang mga pasilidad ng ating mga paaralan sa buong bayan ng San Nicolas, matagumpay nating naipatayo ang bagong backstage sa Cacabugaoan National High School.
Ang proyektong ito ay isinagawa sa ilalim ng masonry at concreting works, na may sukat na 14.80 metro ang haba at 2.0 metro ang lapad. Gamit ang de-kalidad na materyales tulad ng semento, bakal, graba, buhangin, at pre-painted roofing materials, tiniyak nating matibay, ligtas, at maayos ang estruktura para sa mga programa at pagtatanghal ng ating mga estudyante.
Kasama ang pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni ๐๐๐/๐๐๐๐๐ก๐๐ซ ๐๐๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐จ , nais nating bigyang-daan ang mas masiglang paglinang ng talento, kumpiyansa, at pakikilahok ng kabataan sa mga aktibidad ng paaralan.
Sa LGU San Nicolas, naniniwala tayo na ang edukasyon ay hindi lamang natututuhan sa loob ng silid-aralan. Sa bawat proyektong tulad nito, pinapalakas natin ang kabuuang karanasan ng mga mag-aaral mula sa sining, kultura, hanggang sa pagpapalakas ng loob. Ang bawat hakbang ay para sa kinabukasan ng ating kabataan, at sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
~๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐๐ข๐๐ฌ-๐๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐๐ณ
#MayoralVisits#CacabugaoanNHS#Backstage#InfrastructureProject#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
