Umabot sa 484 magsasaka mula sa bayan ng San Nicolas ang nakatanggap ng 1,520 sako ng inbred rice seeds bilang bahagi ng programang pang-agrikultura ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez.
Ang mga binhi ay binubuo ng ibaβt ibang variety: 512-250, 480-75, at 160-54, na layong makatulong sa pagpapalakas ng produksyon ng palay sa susunod na cropping season.
Dumalo sa aktibidad sina Municipal Agriculturist Engr. Christopher SerquiΓ±a kasama ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office (MAO). Nagsalita rin si Konsehal Jun SerquiΓ±a, na kumatawan kay Mayor Alice. Ibinahagi niya ang ibaβt ibang programa, proyekto, at aktibidad ng pamahalaang lokal para sa ikauunlad ng pagsasaka.
Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat si Konsehal SerquiΓ±a sa mga magsasaka sa kanilang sakripisyo at sipag, na aniyaβy nagbibigay inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang kanilang trabaho. Dagdag pa niya, ang pamamahagi ng binhi ngayong Disyembre ay maituturing na βhandog ng pagmamahal ng LGU sa mga magsasaka ngayong Kapaskuhan.β
#InbredRiceSeeds#SupportToSanNicolanianFarmers#AgricultureSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
