Upang palakasin ang kamalayan ng komunidad sa mga panganib ng online sexual abuse at exploitation, at itaguyod ang karapatan ng bawat bata na maging ligtas at protektado, ipinagdiwang ng bayan ng San Nicolas ang Municipal Childrenโs Month na may temang โOSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban.โ
Pinangunahan ang unang araw ng programa ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ฌ๐จ๐ฅ๐จ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐จ, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ญ๐๐ at kaniyang staff, kasama si Mayor Alicia Primicias-Enriquez na nagbigay inspirasyon sa mga batang San Nicolanian tungkol sa kahalagahan ng kanilang karapatan sa digital na mundo.
Tatlong pangunahing aktibidad ang isinagawa: Singing Contest, Draw and Tell, at Zumbalilit. Sa Singing Contest, itinanghal na kampeon si Maria Krisnella S. Camisola mula sa Jasmin Child Development Center (CDC), San Roque. Pumangalawa si Savrinnah Bea O. Baloca ng Dama de Noche CDC, Siblot, at pumangatlo si Zhianne Jhoyzc. Cariazo ng Gumamela CDC, Salingcob. Sa Draw and Tell Contest, nagwagi si Hera G. Cruz mula sa Jasmin CDC, San Roque, habang pumangalawa si Ayumi Zaina P. Rodrigo ng Poinsettia CDC, Sto. Tomas, at pumangatlo si Luna B. Merca ng Rose CDC, San Rafael Centro.
Sa Zumbalilit, nagpakitang-gilas sa sayawan ang mga CDCs. Unang gantimpala ang nakuha ng mga grupo mula sa Jasmin, Aster, Lotus, Sampaguita, Stargazer, Chrysanthemum, at Dama de Noche. Pangalawang gantimpala ang iginawad sa Everlasting, Cattleya, Rubia, Bougainvilla, Hyacinth, Begonia, at Euphorbia. Pangatlong gantimpala naman ang tinanggap ng Daisy, Marigold, Ilang-ilang, Cherry Blossom, Sunflower, at Daffodil.
Ang board of judges ay pinamunuan ni Marivic T. Dotimas, Master Teacher I mula sa San Roque ANP Pilot School. Kabilang sa mga hurado sina Emmanuel S. Serquiรฑa, Teacher III ng Sta. Maria NHS, at Victorio G. Amarillo, Teacher I ng Kabayabasan Integrated School.
Lahat ng 37 Child Development Centers ng bayan ay aktibong lumahok sa selebrasyon, patunay ng pagkakaisa ng San Nicolas para sa kapakanan ng mga bata.
#NationalChildrensMonth#ParaSaBatangSanNicolanians#ParaSaBayanNgSanNicolas#ChildFriendlyTown#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
