“Ang bagong barangay hall na ito ay tahanan ng mas maayos, mas mabilis, at mas bukas na serbisyo para sa mamamayan ng Brgy. Casaratan.”
Ito ang mensahe ni Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas sa pormal na pagbubukas ng bagong barangay hall ng nasabing barangay. Ayon sa kongresista, ang pagpapatayo ng multi-purpose hall ay tugon sa pangangailangan ng komunidad para sa mas episyenteng pamamahala at mas maayos na daloy ng serbisyo publiko.
Hindi lang kagandahan ng estruktura ang mahalaga, giit ni Cong. Marlyn, kundi ang kakayahan nitong paglingkuran ang bawat mamamayan mula sa simpleng dokumento hanggang sa mga mahahalagang pagpupulong. Naantig din siya sa mensahe ng panalangin na isinagawa sa seremonya, na nagsusulong ng pagmamahal sa kabutihan at pagtutol sa kasamaan, isang prinsipyo na aniya’y patuloy niyang isasabuhay bilang lingkod-bayan.
Nagpasalamat si Cong. Marlyn sa walang sawang suporta ng mga taga-Casaratan sa kaniyang mga adhikain. Bilang tugon, ipinangako niyang ipagpapatuloy ang kaniyang Serbisyo a Naimpusoan, isang paglilingkod na bukal sa puso, tapat, at para sa lahat.
Kasama sa programa ang pagbabasbas ng bagong gusali, pagputol ng laso, at pagbubunyag ng marker. Nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat sina 𝓟𝓑 𝓣𝓮𝓸𝓭𝓸𝓻𝓸 𝓔𝓼𝓹𝓲𝓻𝓲𝓽𝓾, Mayor Alicia Primicias-Enriquez, at mga kagawad ng barangay, na pawang nagpahayag ng tuwa at pag-asa para sa mas masiglang pamayanan.








































































#InauguralCeremony#NewBarangayHall#BrgyCasaratan#SerbisyoANaimpusoan#CongMarlynPrimiciasAgabas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
