Isa na namang kahanga-hangang tagumpay ng Pamahalaang Bayan ng San Nicolas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez — ang pagkakabili ng bagong portable ECG machine para sa ating Municipal Health Office.

Ang bagong kagamitang ito ay malaking tulong upang higit pang mapabuti ang ating diagnostic services, at makapagbigay ng mas mabilis at mas tiyak na pagsusuri sa kondisyon ng puso, lalo na sa mga field at emergency operations.

Sa ngalan ng Municipal Health Office, taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni 𝐃𝐫. 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬 𝐋𝐚𝐰𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐒𝐮𝐛𝐢𝐝𝐨 kay Mayor Alice sa patuloy niyang suporta at malasakit sa pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat San Nicolanian.

#ECGMachine

#MakabagongKagamitanMedikal

#DekalidadNaSerbisyongPangkalusugan

#KalusuganParaSaLahat

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride