Bumuhos ang malasakit at pag-asa sa bayan ng San Nicolas nang maipamahagi ang kabuoang Php 704,000.00 na tulong medikal at panglibing sa 364 na benepisyaryo.

Pinangunahan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang programa, kasama sina ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ๐จ๐ซ๐ฌ ๐‰๐š๐ข๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐“๐ก๐จ๐ฆ ๐ƒ๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐‰๐ฎ๐ง โ€œ๐‰๐จ๐ฌ๐žโ€ ๐’๐ž๐ซ๐ช๐ฎ๐ข๐งฬƒ๐š, bilang patunay ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pangangailangan ng mga San Nicolanian.

Sa ilalim ng programang ito, 38 katao ang nabigyan ng tulong panglibing na may kabuuang halagang Php 114,000.00. Samantala, 326 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong medikal na umabot sa Php 590,000.00.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Alice ang kahalagahan ng pagmamahal at panalangin bilang sandata sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Bilang isang doktor, ipinaliwanag din niya ang bisa ng generic na gamot na kapareho lamang ng branded, alinsunod sa Generics Act. Paalala rin niya sa mga may iniinom na maintenance medicine na ugaliing inumin ito sa parehong oras araw-araw.

Sa pagtatapos ng programa, nag-iwan ang alkalde ng mensahe ng pag-asa at malasakit. Hangad niya ang mabuting kalusugan ng bawat San Nicolanian at ang patuloy na pag-unlad ng bayan ng San Nicolas.

#SocialService#FinancialAssistance#BringingTheGovernmentCloser#SanNicolasCares#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride