Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang mga pasilidad pang-edukasyon, matagumpay na naipatayo ang Hand Washing Area at Lavatory Kitchen sa Dama de Noche Child Development Center sa Brgy. Siblot.
Ang nasabing mga proyekto ay isinakatuparan sa ilalim ng Development Fund 2025, na labis na ikinagalak ni Child Development Worker ๐๐ฎ๐ต๐ธ๐ญ๐ ๐๐ป๐ฒ๐ผ๐น๐ฒ๐ท๐ธ, katuwang ang mga magulang at mag-aaral. Layunin nitong itaguyod ang kalinisan, kalusugan, at kaligtasan ng mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng maayos at ligtas na pasilidad para sa paghuhugas ng kamay at paghahanda ng pagkain.
โInaasahan natin na ang bagong pasilidad ay makatutulong sa pagpapalakas ng disiplina sa kalinisan at kalusugan ng mga bata, gayundin sa pagpapabuti ng serbisyong pang-edukasyon sa barangay,โ saad ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez.
Ang pagtatayo ng hand washing area at lavatory kitchen ay patunay na aktibong pinangungunahan ng pamahalaang lokal ang mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na kapaligiran para sa mga kabataang San Nicolanian.
#HandWashingArea#LavatoryKitchen#BrgySiblot#SanitationAndHealth#FoodPreparation#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
