Matapos ang matagumpay na pag-install ng 10 solar-powered streetlights at tatlong jet matic pumps sa Brgy. Siblot, mas maliwanag na ang mga kalsada at mas madali nang makakuha ng tubig ang mga residente sa lugar.

Ang proyekto ay isinulong sa pangunguna ni 𝐏𝐁 𝐍𝐨𝐞𝐥 𝐋𝐚𝐝𝐢𝐚, katuwang ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez. Layunin nitong mapabuti ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mamamayan, lalo na sa gabi at sa araw-araw na pangangailangan sa tubig.

Ang mga ilaw sa kalsada ay semi-integrated heavy duty solar streetlights na may matibay na poste at semento. Samantala, ang mga jet matic pump ay makatutulong sa mas mabilis na pag-igib ng tubig, lalo na sa mga lugar na walang direktang koneksyon sa gripo.

Ang kabuoang halaga ng proyekto ay mula sa pondo ng barangay na inilaan ng lokal na pamahalaan. Ayon sa mga residente, malaking ginhawa ang dulot ng mga bagong ilaw at poso, lalo na sa mga bata, senior citizens, at mga manininda.

Patuloy ang pagsisikap ng Brgy. Siblot at ng pamahalaang bayan ng San Nicolas na maghatid ng mga proyekto para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.

#BarangaySiblot

#JetMaticPump

#SolarPoweredStreetlights

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride