Nagbigay ng inspirasyon sa mga kabataan ang educational assistance na ipinamahagi ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez. Maraming estudyante ang nagsabing mas lalo silang naengganyo na magpursige sa kanilang pag-aaral.

Sa programang idinaos sa Municipal Auditorium, binigyang-diin ng alkalde na ang tulong ay paraan upang ipakita na ang pamahalaan ay kaagapay ng kabataan sa kanilang pangarap. Ang bawat estudyante ay hinikayat na gamitin ang tulong bilang motibasyon sa mas masigasig na pag-aaral.

Ang mga kabataan mula sa West Central School SPED Center, Stargazer Child Development Center, Aster Child Development Center, East Central School, at San Nicolas National High Shcool ay nagpasalamat at nangakong pagsusumikapan nilang tapusin ang kanilang edukasyon bilang pagbabalik sa pamahalaan at sa bayan.

#EducationalAssistance2025#ParaSaKabataangSanNicolanians#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride