Umabot sa 32 school bags ang masayang naipamahagi ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa ating masisiglang day care learners mula sa mga sumusunod na Child Development Centers:

📚 Angel’s Breath CDC (Salpad) – 11 estudyante

📚 Gladiola CDC (Bensican) – 9 estudyante

📚 Tulip CDC (San Isidro) – 12 estudyante

Pinangunahan ito ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, kasama ang ating mga masisipag na konsehal ng bayan— Amorsolo Pulido, Jose Serquiña Jr., Queen Descargar, Pedrelito Bibat, at Jairus Thom Dulay — na patuloy na nagsusulong ng kapakanan at edukasyon ng ating mga kabataang San Nicolanian.

Ang bawat ngiti ng ating mga bata ay paalala na ang pamumuhunan sa edukasyon ng kabataan ay pamumuhunan sa mas maliwanag at matatag na kinabukasan ng San Nicolas. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga munting handog na ito upang patuloy silang magsikap, mangarap, at maniwala sa sarili! 💖

#BagsForDaycareChildren

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride