Personal na ininspeksyon at sinuperbisa ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa municipal intersection bago dumating sa San Nicolas Municipal Plaza at malapit sa St. Nicolas de Tolentino Parishโ€”ang paglalagay ng stop bar at pedestrian lane bilang paghahanda para sa paglalagay ng traffic lights sa lugar.

Ang installation ng traffic lights ay proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas gamit ang DRRM Fund, bilang bahagi ng mga hakbang para sa mas ligtas at mas organisadong daloy ng trapiko lalo na sa mga mataong lugar.

Ang stop bar at pedestrian lane ay mahahalagang road markings na nagsasaad kung saan dapat huminto ang mga sasakyan at kung saan ligtas tatawid ang mga pedestrian. Malaking tulong ito sa pagsunod sa traffic rules, pag-iwas sa aksidente, at pagpapanatili ng kaligtasan sa kalsada.

Ayon kay Mayor Alice, โ€œMahalaga ang mga ganitong preparasyon para mas maging ligtas ang mga motorista at pedestrian. Sa oras na mailagay ang traffic lights, mas magiging organisado at mas kontrolado ang daloy ng trapiko sa ating bayan.โ€

Kasama si MDRRM Officer Shallom Gideon Balolong sa pagsubaybay at pagmo-monitor sa naturang proyekto upang masiguro na maayos at ligtas ang implementasyon.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat habang isinasagawa ang konstruksyon. Sa oras na matapos ito, inaasahang mas ligtas at mas organisado na ang nasabing intersection.

#TrafficLightsSoon#DPWH

#RoadSafety#Stopbar#PedestrianLane

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride