Mas maayos at mas ligtas nang gamitin ang parking area ng pampublikong palengke matapos ang matagumpay na pagkakabit ng bagong concrete slab sa ilalim ng 2025 Development Fund.
Personal na ininspeksyon ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang natapos na proyekto, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Francisco โKikoโ Bravo Jr., Rosewill Queen Descargar, Amorsolo Pulido, Jose โJunโ Serquina, at Jairus Thom Dulay, pati na rin ang mga municipal engineer na sina Engr. Jimmy Javar at Engr. Edwin Patetico.
Ang bagong parking area ay may sukat na 26 metro ang haba, 19 metro ang lapad, at 15 sentimetro ang kapal ng semento. Layunin ng proyekto na mapabuti ang daloy ng trapiko at magbigay ng mas komportableng espasyo para sa mga mamimili at manininda sa palengke.
Ayon kay Mayor Alice, ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng mga pasilidad sa bayan upang mas mapadali ang serbisyo publiko at mapalakas ang lokal na ekonomiya.
โAng bawat hakbang ng pamahalaan ay para sa kaginhawaan ng ating mga kababayan. Sa maayos na palengke, mas maayos ang pamumuhay,โ pahayag ng alkalde.
#SanNicolasPublicMarket#ConcreteSlab#DevelopmentFund#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
