Bilang bahagi ng ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž ๐˜ฟ๐™ค๐™ , nagbigay ng pamaskong handog si Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa mga residente ng Brgy. Cabuloan na nagpapapatunay ng marubdob na pagmamahal at malasakit ng alkalde.

Masayang nagtipon sa kalsada ang mga residente upang abangan at salubungin si Mayor Alice upang ipakita ang kanilang suporta. Ang pamimigay ng tulong ay nagbigay ng kasiguruhan na ang alkalde ay patuloy na nakatuon sa kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Alice na ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa mga regalo kundi sa pagbibigayan, pagkakaisa, at malasakit sa isaโ€™t isa. Aniya, tungkulin niyang tiyakin na ang bawat pamilya ay makaramdam ng saya at ginhawa, kahit sa gitna ng mga hamon ng buhay. Ang pamaskong handog ay simbolo ng pagkalinga niya sa mga mamamayan, na nagsisilbing paalala na hindi sila nag-iisa sa kanilang paglalakbay.

Nagpasalamat ang mga residente sa tulong na natanggap, na nakikitang malaking ginhawa sa kanilang pagdiriwang ng Pasko. Marami ang nagsabing ang simpleng handog ay nagbigay ng pag-asa at inspirasyon, at nagpatibay sa kanilang paniniwala na ang butihing alkalde ay kanilang tunay na kaagapay.

#PanagayatniDok#ChristmasTime#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride