Kung may isang bagay na tunay na maipagmamalaki ang bayan ng San Nicolas, ito ay ang pagkakaroon ng mga lider tulad ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez na hindi napapagod sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sa kaniyang pamumuno, muling pinatunayan ng lokal na pamahalaan na ang edukasyon ang pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan ng kabataan.

“Walang pinipiling oras at araw ang pagsisilbi sa bayan dahil kung nais nating maging maayos ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral, maglalaan tayo ng panahon para sa kanila. Matapos man ang taon, ngunit magpapatuloy ang ating paglilingkod sa mga pag-asa ng ating bayan,” pahayag ng alkalde.

Umabot sa 640 mag-aaral mula sa day care hanggang senior high school mula sa Rose Child Development Center, Vanda Child Development Center, Calla Lily Child Development Center, San Rafael Elementary School, at San Rafael National High School ang nabahagian ng tulong pinansyal.

Abot-tenga ang ngiti ng mga magulang at mag-aaral sa pagtanggap ng regalong ito mula sa lokal na pamahalaan. Niyakap, kinamayan, at ipinaramdam nila kay Mayor Alice ang pasasalamat dahil mula noon, hindi nagbago ang pagmamahal ng alkalde sa mga kabataang San Nicolanian na nangangarap ng magandang buhay.

#EducationalAssistance2025#SanNicolanianLearners#EducationSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride