Bilang bahagi ng layunin ng LGU San Nicolas sa pangangalaga ng kalusugan ng mga alagang hayop, magsasagawa ang Municipal Agriculture Office ng libreng deworming at pagbibigay ng bitamina para sa mga ruminants gaya ng baka, kalabaw, kambing, at tupa sa bawat barangay.

Layunin ng programa na maiwasan ang pagkamatay ng mga hayop dahil sa malnutrisyon at mga parasitiko at mapanatili ang malusog na populasyon ng maliliit at malalaking alagang hayop

Inaanyayahan po ang lahat ng tagapag-alaga ng baka, kalabaw, kambing, at tupa na makiisa at makipagtulungan sa isasagawang aktibidad. Libre po ito at para sa kapakanan ng inyong mga alaga!

Mangyaring maghanda lamang ng β€œlipit” o chute β€” isang makitid na kulungan na gawa sa kahoy o bakal kung saan maaaring ligtas na hawakan ang hayop habang ito ay binibigyan ng gamot o bitamina. Ang mga ito ay kailangang itayo sa mga itinalagang lugar sa inyong barangay.

Makikita sa kalakip na pubmat ang iskedyul at listahan ng mga barangay na sasailalim sa aktibidad.

#MunicipalAgricultureOffice#DewormingActivity#Vitamins#Ruminants#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride