Umabot sa 212 magsasaka mula sa mga barangay ng Cabuloan, Camanggaan, Casaratan, Lungao, Poblacion East, Poblacion West, San Rafael Centro, San Rafael East, San Rafael West, at Sto. Tomas ang tumanggap ng kabuuang 1,800 kilo ng binhi ng mais bilang suporta sa kanilang produksyon.
Pinangunahan ang aktibidad nina Municipal Agriculturist Engr. Christopher Serquina, Committee Chair on Agriculture Mun. Coun. Jun Serquina, at mga kinatawan mula sa Department of Agriculture. Layunin ng programa na mapalakas ang ani ng mga magsasaka at matiyak ang sapat na suplay ng mais sa bayan.
Ang pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ay patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga programang pang-agrikultura, bilang pagkilala sa mahalagang papel nila sa seguridad sa pagkain at kaunlaran ng bayan.
#Agriculture#CornSeedsDistribution#SupportToFarmers#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
