Personal na bumisita sina Mayor Alicia Primicias-Enriquez at Tayug Mayor Tyrone Agabas upang makiramay sa mga naulilang pamilya nina Rogelio Jr. Dela Cruz, JC Galicia, at Edmond Romeo, mga kababayan San Nicolanian na nasawi sa isang malagim na vehicular traffic accident sa Bontoc, Mountain Province noong Oktubre 27, 2025.
Bitbit ng dalawang alkalde ang tulong mula sa mga lokal na pamahalaan ng San Nicolas at Tayug, at tanggapan ni Cong. Marlyn Primicias-Agabas bilang simbolo ng pagkakaisa at malasakit ng pamahalaan sa gitna ng pagdadalamhati ng mga pamilya.
Nag-alay rin sila ng taimtim na panalangin para sa kaluluwa ng mga nasawi, at nagpaabot ng pakikipagsimpatiya at suporta sa mga naulila.
Sa gitna ng pagdadalamhati, nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit. Patuloy na pinangangalagaan ng San Nicolas ang kapakanan ng bawat San Nicolanian, sa hirap man o ginhawa.
#OfferingOurCondolences#SympathyToTheBereavedFamilies#BurialAssistance#BontocVehicularAccident#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
