Isasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang profiling ng mga senior citizen bilang paghahanda sa pamamahagi ng Cash Incentive at Food Subsidy Assistance.

Layunin ng nasabing aktibidad na makapag-fill up ang mga benepisyaryo ng mga kinakailangang form bago ang aktwal na distribusyon ng ayuda.

Mga Form na Kailangan Punan

Sa profiling, ipapamahagi ng MSWDO ang mga sumusunod na form na dapat sagutan ng mga senior citizen:

• General Intake Sheet

• Certificate of Eligibility

• Certification mula sa MSWDO (hindi na kailangan para sa edad 81 pataas)

Mga Dokumentong Dapat Dalhin

Bukod sa mga form, hinihikayat ang mga senior citizen na magdala ng:

• Certificate of Indigency

• Photocopy ng Senior Citizen ID na may tatlong pirma

• Original Senior Citizen ID para sa beripikasyon

Paalala

Mahalagang tandaan na ang iskedyul na ito ay para lamang sa profiling at pag-fill up ng forms. Hindi pa ito ang aktuwal na distribusyon ng Cash Gift.

#Profiling#SeniorCitizens#CashGift#FoodSubsidy#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride