𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀, 𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀
Sama-samang nagtipon ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, mga empleyado, at daan-daang deboto ni Birheng Maria para sa isang makabuluhang pagdiriwang ng Living Rosary at Culminating Mass nitong Linggo.
Pinangunahan ni 𝐅𝐫. 𝐅𝐚𝐫𝐥𝐞𝐲 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨 ang banal na misa, kung saan ibinahagi niya ang kahalagahan ng pagmamahal ni Maria sa kaniyang anak na si Hesus. Aniya, kahit maraming tawag at imahe ang iniuugnay sa Mahal na Ina, iisa lang ang kaniyang puso—pusong punong-puno ng pagmamahal sa Panginoon. Hinikayat din niya ang lahat na tularan ang malalim na pagmamahal ni Maria sa Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Kasama sa mga dumalo sina Vice Mayor Maricon Operana at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lokal.
Matapos ang misa, isinagawa ang makasaysayang Crowning of Mother Mary, kung saan si Mayor Alice mismo ang naglagay ng korona sa imahe ng Mahal na Ina. Sinundan ito ng Blessing of the Image bilang tanda ng pagpapala at pasasalamat.
Bilang paggalang at pagdiriwang, sabay-sabay na pinalipad ng mga deboto ang puti at asul na lobo—mga kulay na sumisimbolo sa kadalisayan at pagmamahal ni Maria.
Tinapos ang programa sa isang Agape Meal, isang simpleng salu-salo na puno ng saya at pagkakaisa ng komunidad ng mga mananampalataya.




















































































#LivingRosary#Mass#BlessedVirginMary#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
