Sa ilalim ng temang “Kaligtasan ni Nanay, Kinabukasan ni Baby”, isinagawa ngayong araw ang Perinatology Medical Mission na layuning mapalakas ang kalusugan ng mga buntis at kanilang mga sanggol.
Pinangunahan ng mga doktor mula sa Region I Medical Center – Department of Obstetrics and Gynecology, kasama ang Section of Maternal Fetal Medicine at ang Initiative for Women’s Health, Inc., ang nasabing programa sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit of San Nicolas sa pangunguna ni 𝐃𝐫. 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬 𝐋𝐚𝐰𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐒𝐮𝐛𝐢𝐝𝐨, 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫.
Nagbigay ng mainit na pagbati at maikling paliwanag tungkol sa layunin ng misyon si Department Manager Dr. Yvonne Nacis, Department Manager. Si Dr. Deverly Rina Reyes, chairperson ng departamento, ay nagbahagi naman ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng breastfeeding o pagpapasuso, habang si Dr. Melissa Idlo, isa sa mga resident doctor, ay tinalakay ang family planning o pagpaplano ng pamilya. Kasama rin sa mga tumulong sina Dr. May Ervison Ruaro at Dr. Mary Ann Gladys Vidal, pati na ang mga medical intern mula sa kanilang departamento.
Dumalo rin sa aktibidad sina Konsehal Queen Descargar, chairperson ng Komite sa Kalusugan, at Konsehal Amorsolo Pulido na naghatid ng mensahe mula kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez. Binigyang-diin sa mensahe ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng mga ina bago, habang, at pagkatapos ng pagbubuntis.
Serbisyong medikal gaya ng check-up, konsultasyon, at ultrasound ang inialok sa mga dumalo. Bukod pa rito, tumanggap ang mga pasyente ng Buntis Kits na naglalaman ng mahahalagang bitamina, supplements, at gatas para sa ina.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang medical mission sa pagbibigay ng kaalaman, suporta, at serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at kanilang mga sanggol.
#PerinatologyMedicalMission#RegionIMedicalCenter#KalusuganNiNanay#KinabukasanNiBaby#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
