Nagsagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ang pamahalaang lokal ng San Nicolas upang paghandaan ang posibleng epekto ng paparating na bagyong โFung-Wong,โ na kilala sa lokal na pangalan bilang โUwan.โ
Pinangunahan ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang ahensya ng lokal na pamahalaan gaya ng Municipal Engineering Office, Municipal Agriculture Office, Municipal Health Office, Municipal Social Welfare and Development, Bureau of Fire Protection, Department of Interior andLocal Government, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Order and Safety Office, at Liga ng mga Barangay.
Ayon sa pinakabagong ulat ng DOST-PAGASA, ang bagyong Uwan ay nasa layong 1,500 silangan ng hilagang-silangang Mindanao at nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at bugso na umaabot sa 115, kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kph.
Inaasahang magiging kritikal ang panahon sa Nobyembre 10-11, kung saan posibleng maranasan ang malalakas na hangin sa loob ng 700 km mula sa sentro ng bagyo. Sa Luzon, maaaring itaas ang babala ng bagyo hanggang Signal No. 5.
MGA HAKBANG NG BARANGAY AT LGU
Upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan, inatasan ang mga Barangay Council na:
โข Ihanda ang evacuation centers
โข Magpanatili ng standby team para sa agarang aksyon
โข Suriin ang mga kanal, irigasyon, at drainage
โข Siguraduhing 24/7 ang operasyon ng Barangay Emergency Operations Center
โข Magbigay ng tamang impormasyon sa mga residente para maprotektahan ang kanilang bahay, alagang hayop, at gamit
Samantala, ang LGU ay magpapatupad ng mga sumusunod:
โข Itataas sa RED ALERT ang status ng bayan sa Nobyembre 9, 5PM
โข Posibleng magkaroon ng suspensyon ng klase sa Lunes, Nobyembre 10, depende sa magiging lagay ng panahon at sa mga opisyal na abiso
โข Pansamantalang isasara ang Villa Verde Road mula Nobyembre 10 (Lunes) hanggang Nobyembre 11 (Martes), 5AM
โข Ititigil muna ang mga aktibidad sa turismo, lalo na sa Brgy. Malico
โข Magsasagawa ng damage assessment sa: Agrikultura at alagang hayop (MAO), mga bahay (MSWDO), at mga imprastruktura (MEO)
Tinalakay rin ang update sa stockpile ng pagkain upang matiyak na may sapat na suplay sakaling kailanganin ang evacuation.
Ang lokal na pamahalaan ay nananawagan sa lahat ng residente na maging alerto, makinig sa opisyal na anunsyo, at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.
#PreDisasterRiskAssessmentMeeting#OnAlert#LGUSanNicolas#UwanPH#DisasterPreparedness#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
