Dinagsa ng mga pamilya at kabataan ang Christmas in the Park sa bayan ng San Nicolas, kung saan si Santa Claus mismo ang naging bida ng gabi.

Sa gitna ng makukulay na ilaw at musika, naging buhร y ang diwa ng Pasko sa parke sa mga pagtatanghal ng kabataang San Nicolanians sa Art Beat, isang taunang aktibidad ng Municipal Tourism, Culture, and Arts Office na nagbigay daan sa busking performances, chalk art exhibitions, at cosplay showdown.

Sa chalk art zone, gumuhit ng pag-asa ang mga obra ng kabataan. Sa cosplay, nagtagisan ng galing ang mga kalahok sa pagdadala ng mga karakter mula sa pelikula, anime, at alamat, habang ang busking performances ay nagbigay ng himig ng Pasko sa mga dumadaan.

Tunay ngang sa San Nicolas, ang sining ay buhรกy, at ang Pasko ay mas makulay.

#ArtBeat#IgnitingCreativityInSanNicolas#SanNicolasPangasinanTourism#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride