Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region I ang bayan ng San Nicolas matapos gawaran ang Municipal Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (MCAT-VAWC) bilang β€œHighly Functional” o lubos na mahusay sa pagpapatupad ng mga programa para sa proteksyon ng kababaihan at kabataan.

Ayon sa DILG, ang komiteng ito ay kinilala dahil sa kanilang masigasig na pagtatrabaho, matibay na pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya, at walang sawang adbokasiya para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at bata. Sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang, edukasyon, at tulong sa mga nangangailangan, naging huwaran ang San Nicolas sa pamumuno ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez sa buong rehiyon pagdating sa lokal na pamamahala at pagtataguyod ng karapatang pantao.

β€œAng inyong dedikasyon ay nagbunga ng mas ligtas, mas inklusibo, at mas maunlad na komunidad para sa lahat lalo na sa mga pinaka-nangangailangan ng kalinga at proteksyon,” pahayag ng DILG Region I.

Ang pagkilalang ito ay patunay na kapag nagtutulungan ang pamahalaan at komunidad, posible ang isang lipunang malaya sa karahasan, pang-aabuso, at diskriminasyon.

Patuloy ang panawagan ng DILG at ng San Nicolas MCAT-VAWC na magkaisa ang lahat tungo sa isang kinabukasang may dignidad, respeto, at pantay na oportunidad para sa bawat babae at bata.

Mabuhay ang San Nicolas!

#HighlyFunctional#MunicipalCommittee#AntiTrafficking#ViolenceAgainstWomenAndChildren#CongratulationsSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride