Pinangunahan ni PCAPT George Banayos, katuwang ang San Nicolas PNP, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga punong barangay mula sa iba’t ibang barangay, ang simbolikong pagsira sa mga nakumpiskang tambutso ng motorsiklo.

Isinagawa ang aktibidad bilang konkretong pagpapakita ng mahigpit na pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 80, s. 2019, na nagbabawal sa paggamit ng maiingay na muffler o tambutso.

Ayon kay PCAPT Banayos, “Ang hakbang na ito ay tugon sa mga reklamo ng publiko kaugnay ng mga maiingay na muffler na nakakaistorbo sa katahimikan ng gabi, at upang ipakita na ang ordinansa ay mahigpit na ipinatutupad.”

Pinuri naman ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang isinagawang aktibidad, bilang patunay ng seryosong kampanya ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bayan ng San Nicolas.

#DisiplinaAngKailangan#PublicAdvisory#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride