Noong Huwebes, Nobyembre 20, matagumpay nating naihatid ang DSWD Family Food Boxes sa Salbendro District na binubuo ng mga barangay Salpad, Bensican, at San Isidro. Umabot sa kabuoang 735 pamilya ang nakatanggap ng tulong na, kahit paano, makapagpapagaan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang ayudang ito ay naihatid matapos kong humiling ng suporta sa DSWD sa tulong nina Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas
at 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐚 𝐆𝐨𝐩𝐚𝐥𝐚𝐧 na mabilis na tumugon para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Nagbigay rin kami ni Cong. Marlyn ng mensahe na puno ng pasasalamat, pang-unawa, at pag-asa upang mas lalo pa nating mapalakas ang bawat pamilyang ating pinaglilingkuran.
Habang naglalakad ako sa venue, kitang-kita ko ang mga ngiting may bahid ng ginhawa, ang mga taos-pusong “thank you po,” at ang mga pamilyang ramdam na ramdam ang malasakit ng pamahalaan. Sa isang simpleng kahon ng pagkain, naibahagi natin ang kapanatagan na nagpapaalala na hindi sila nakalilimutan at hindi sila nag-iisa.
Mga ganitong sandali ang lalong nagpapatibay ng ating paninindigan na ipagpatuloy ang serbisyong may puso para sa bawat tahanan sa San Nicolas. ![]()
![]()



























































~𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞𝐳
#GinhawaParaSaSalBenDro#SerbisyongMayPuso#PagAsaAtPasasalamat
#DSWDFoodBoxes#NgitingNagbibigayLakas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez
#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
