Matamis ang balitang hatid ng LGU San Nicolas at ni Mayor Alicia Primicias-Enriquezkatuwang si Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabasβmay 75 scholarship slots para sa kursong Bread and Pastry Production NC II!
Para sa mga nangangarap matutong gumawa ng tinapay, cake, dessert, at iba pang pastries, ito na ang pagkakataong matuto nang libre sa loob ng 24 araw. Hindi lang ito basta training, may kasamang pagsusulit para makamit ang National Certificate II, isang hakbang patungo sa mas masarap na kinabukasan!
Imbes na sayangin ang libreng oras, gamitin ito para sa bagong kasanayan at dagdag na oportunidad sa kabuhayan. Ang programang ito ay bukas para sa mga 18 taong gulang pataas na handang matuto at magsikap.
Mga kailangang ihanda:
β’ Kopya ng birth certificate
β’ Kopya ng marriage certificate (kung ikinasal)
β’ School credentials (Form 137/138, certificate of rating, o transcript of records)
β’ Anim (6) na passport-sized photo (white background, may collar, may name tag)
β’ Dalawang (2) 1×1 picture
Para sa submission ng application at karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisina ni Atty. Charlene B. Lagua, PESO Manager.
Huwag palampasin ang pagkakataong itoβmatuto, magsanay, at magtagumpay!


#SaTESDAAbotAngLahat#SweetSuccessNews#BreadAndPastryNCII#SerbisyongMayPuso#SerbisyoANaimpusoan#CongMarlynPrimiciasAgabas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride
