Nagpahayag ng pagkabahala si Health Chief Teodoro Herbosa sa pagtaas ng mga kaso ng HIV sa Pilipinas kung saan nasa average na 55 indibiduwal ang na-diagnose na may impeksyon sa bansa araw-araw.
Nito lamang Marso 2024, sinabi ng DOH na mayroong 1,224 na bagong impeksyon sa HIV na may 12 na naiulat na namatay. Halos kalahati ng mga naitalang kaso ay nasa edad 25-34 at halos 1/3 mula rito ay nasa edad 15-24.
Sinabi ni Herbosa na ang nakababatang populasyon ay nangangailangan ng kamalayan at pag-iwas sa HIV dahil sa kanilang maagang pagkakalantad sa internet, na maaaring maglantad sa kanila sa mga mapanganib na pag-uugali.
Aniya, nakipag-ugnayan na siya kay Education Secretary at Vice President Sara Duterte para paigtingin ang HIV education.
Ang HIV ay hindi na isang death sentence sa buong mundo dahil sa life-saving antiretroviral drugs (ARVs) na makakatulong sa mga taong may impeksyon na mamuhay ng normal.
Nasa 122,255 katao ang nabubuhay na may HIV sa Pilipinas ngunit 64 porsiyento lamang o 78,633 sa kanila ang kasalukuyang nasa antiretroviral therapy.
#GetTested#KnowYourStatus#HIVAwareness#HIVEducation#AlarmingIncrease#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride