Upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa posisyong itinalaga sa kanila, sumailalim ang mga Sangguniang Kabataan (SK) Secretaries at Treasurers mula sa iba’t ibang barangay ng San Nicolas sa mandatory training noong Enero 24.
Layunin ng pagsasanay na ituro hindi lamang ang teknikal na kaalaman kundi upang matutunan ng mga opisyal ng SK ang halaga ng pananagutan, katapatan, at integridad upang makapagbigay sila ng tapat at totoong serbisyo publiko.
Tinalakay sa mandatory training na idinaos sa Municipal Training Center ang mga usapin ukol sa tamang proseso ng pagsasagawa ng pagpupulong at pagba-badyet ng pondo kasama na ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
Samantala, pinangasiwaan naman ni Mayor Alice ang panunungkulan ng mga appointed SK officials pagkatapos ng kanilang mandatory training.
#SangguniangKabataan#MandatoryTrainingForSKSecretariesAndTreasurers
#YouthInAction#KabataanAngPagAsaNgBayan#GoodGovernance#WeAreOneSanNicolas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride