Si Mayor Alice ay lubos na nagpapasalamat sa TESDA Pangasinan Provincial Office sa pamumuno ni 𝐑𝐃 𝐉𝐎𝐄𝐋 𝐌. 𝐏𝐈𝐋𝐎𝐓𝐈𝐍 sa pagbigay ng alokasyon para sa mga San Nicolanians na nagnanais mag-avail ng TESDA scholarships.
Ang tawag sa scholarship na ito ay TWSP o ang Training for Work Scholarship na para sa mga job seekers na nangangailangan ng required skills para sa mga in-demand jobs.
Mayroong available na twenty five (25) scholarship slots sa mga gustong mag-aral ng 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐍𝐂 𝐈𝐈) kung saan libre ang tuition at ang assessment.
“First-come, first-served” ang sistema sa pagtatanggap ng mga iskolars. Sisimulan ang kurso ngayong Pebrero at gaganapin ito sa 𝐒𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫.
Sa mga gustong mag-aral, maghanda lamang po ng mga sumusunod:
1. Kopya ng birth certificate
2. Kopya ng marriage certificate (kung ikinasal)
3. Kopya ng School credentials (Form 137/138, certificate of rating o Transcript of Record)
4. Latest passport size white background with collar and name tag (tatlong piraso)
5. 1×1 picture (dalawang piraso)
Sa mga interesado, magtungo po lamang sa opisina ni 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐁. 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐚, ang ating PESO manager, para sa karagdagang impormasyon at submission ng inyong applications.
Don’t miss the chance. Be a TESDA scholar now!
#InServiceOfThePeopleOfSanNicolas
#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride