Tinawid ng 25 taong gulang na si Joland Layco ang kabilang parte ng ilog sa Brgy. Salingcob upang sanaβy tignan ang kaniyang mga alagang baka. Sa hindi inaasahang pagkakataon, mabilis na tumaas ang tubig dahilan upang mahirapan na siyang makabalik.
Sa loob ng humigit-kumulang tatlong oras, nagbayanihan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, PNP San Nicolas, Bureau of Fire Protection, force multipliers, volunteer groups, at mga residente upang matagumpay na maisagawa ang rescue operation. Sa awa ng Diyos, nakauwing ligtas si Joland sa kanilang bahay.
Patunay ang pangyayaring ito na buhΓ‘y ang bayanihan sa bayan ng San Nicolas. Magsilbi rin sana itong inspirasyon sa lahat ng kailian na tumulong sa mga nangangailangan, may unos man o wala.
πππ§ ππ’ππ¨π₯ππ¬ ππππππ
#Bayanihan#BayaningKailian#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride