Ginunita ngayong araw ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang National Day of Remembrance Day para sa kagitingan at kabayanihan ng Special Action Force (SAF) 44 na sumabak sa Oplan Exodus sa Maguindanao noong 2015.
Ang nasabing seremonya ay isinagawa bilang parangal sa kabayanihan at kagitingan ni PO3 Ephraim Mejia, isa sa mga nasawing 44 elite commando ng PNP SAF na namatay sa Mamasapano, Maguindanao.
Binigyang pagkilala ng buong pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pangunguna nina Mayor Alice at Vice Mayor Alvin Bravo, Gov. Ramon Guico III na kinatawan ni Rebecca Saldivar, PNP Provβl Director PCOL Jeff Fanged, PLTCOL Haron Rasid Ali, Force Commander ng 2nd PMFC, at PCPT George Banayos Jr. ng San Nicolas Police Station si PO3 Mejia sa harap ng inang si Gng. Helen Mejia at kapatid na si Gng. Ruth Love Mejia-Tajale.
βHigit pa sa tungkulin ang ginawang sakripisyo ng SAF 44. Siyam na taon simula nang mangyari ito, nagbukas ito sa ating mga mata sa mas malalim na kahulugan ng pagsasakripisyo sa ngalan ng bayan kung kayaβt patuloy tayong nagdarasal para sa kanilang mga kaluluwa at magpapasalamat sa kanilang marangal na gawain,β ani ni Mayor Alice.
#NationalDayOfRemembrance#SAF44#Gallant44#SpecialActionForce#WeRemember#ThankYouForYourGallantry#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride