Patuloy na pinagtutuunang pansin ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Alice ang pagbibigay nito ng libreng konsultasyon at gamot para sa mga mamamayang may mga problemang pangkalusugan.
Ayon sa datos ng Mayorโs Office, aabot na sa 17,238 ang naging benepisyaryo ng Panagayat ni Dok at nabigyan ng libreng gamot mula Enero hanggang Mayo ngayong taon: Enero (4,022), Pebrero (3,380), Marso (3,061), Abril (3,426), at Mayo (3,349).
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga mamamayan ng bayan ng San Nicolas na may problemang pangkalusugan at hirap sa buhay na makapagpagamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng konsultasyon at gamot, at tamang health education hanggang sila ay gumaling.
Bilang isang doktor, nurse, at pharmacist, naging prayoridad na ni Mayor Alice ang programang pangkalusugan ng mga San Nicolanian na labis na nangangailangan ng tulong, pagmamahal, at pag-aaruga.
#PanagayatNiDok#IntensifyHealthPrograms#LibrengGamot#LibrengKonsultasyon#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride