Nilagyan na ng closed-circuit television (CCTV) cameras ang pamilihang bayan ng San Nicolas upang masubaybayan ang anumang hindi awtorisadong paggalaw o aktibidad na lumilikha ng potensyal na banta sa kaligtasan at seguridad sa lugar.

Magkatuwang sina Mayor Alice, PCPT. George Banayos Jr. at mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection at MDRRMO na personal na siniyasat ang installation ng CCTV cameras sa palengke na paniguradong magbibigay ng real-time na motion detection upang matiyak ang seguridad ng mga mamimili, nagtitinda, at ang kanilang mga paninda.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang alkalde na responsibilidad ng mga mamimili at nagtitinda ang kanilang mga kagamitan at paninda ngunit nangangako siyang mas paiigtingin pa rin ang seguridad sa palengke upang maiwasan na ang mga insidente ng nakawan.

#SanNicolasPublicMarket#CCTVInstallation#Security#Monitoring#RealTimeMotionDetection#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon