Maliit man o malaking daan, walang pinipili ang pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pagbibigay ng serbisyo publiko kung kayaโ€™t ang dating lubรกk-lubรกk na daan sa Purok 4 at 5 sa Brgy. Bensican, ngayon ay sementado na.

๏ฟฝAng proyekto na may habร ng 60 metro, lapad na 3 metro, at kapal na 0.15 metro ay ang bagong regalo ni Mayor Alice sa nasabing barangay na kaniyang binisita at ininspeksyon kasama ang barangay council na pinangungunahan ni ๐๐ ๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐จ ๐Œ๐š๐ซ๐ณ๐จ.

Nagpasalamat si PB Marzo sa paghahatid ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ng 244 bags ng Portland cement, 5 truckloads ng screened sand, at 10 truckloads ng screened gravel ยพ upang agarang matapos ang proyekto at mapakinabangan ng mga residente.

โ€œHanggaโ€™t maaari, nais nating abutin maging ang mga lugar na di sukat akalain ng mga San Nicolanian na mahahatiran ng tulong. Hindi sayang ang pondong ilalaan dito sapagkat alam nating maraming residente ang makikinabang dito,โ€ saad ni Mayor Alice.

Dagdag pa ng alkalde, magpapatuloy ang mga proyektong tulad nito sa buong bayan upang hindi na mahirapan pa ang mga nasa liblib na lugar na dumaan patungong main road lalo na tuwing umuulan.

#RoadConcretingProject#BrgyBensican#InfrastructureProject#ThankYouMayorAlice#ThankYouLGUSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed