Upang mas maging komportable sa pagtulog at magkaroon ng mas maayos na higaan ang mga indigenous people (IP) na mag-aaral ng San Felipe Integrated School, naghandog si Mayor Alice ng limang sets ng double deck beds para sa kanilang IP dormitory.

Isang taon mula nang maipatayo ang dormitoryo, muling nagbalik ang alkalde upang kumustahin ang proyekto at masigurong maayos na nakapagbibigay ng serbisyo sa mga estudyanteng IPs mula sa Sitio Kabayabasan, Bgry. San Felipe East.

Samantala, pinulong naman ni Mayor Alice ang kaguruan ng nasabing paaralan sa pangunguna ni Principal David Puruganan upang talakayin ang mga natamong tagumpay ng paaralan at ang mga proyektong isasakatuparan ngayong taon.

Mula sa Special Education Fund, naglalaan ang pamahalaang lokal ng San Nicolas ng suporta sa sektor ng edukasyon, laong-lalo na sa mga komunidad ng mga katutubong mamamayan.

#DoubleDeckBedSets#IndigenousPeople#IPDormitory

#SpecialEducationFundProject#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon