๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข-๐’๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐…๐จ๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ž, ๐‹๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐๐š ๐ง๐  ๐Œ๐Ž๐€

Sabay-sabay na pumirma sina Mayor Alice, ๐™‹๐™€๐™‰๐™ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š๐™ง ๐™๐™–๐™ฎ๐™ข๐™ค๐™ฃ๐™™ ๐˜ผ. ๐™๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™–, ๐™Š๐™„๐˜พ ๐˜พ๐™€๐™‰๐™ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š๐™ง ๐™๐™ž๐™˜๐™ค ๐™‚. ๐˜ฝ๐™ž๐™–๐™™๐™ค, at ang mga miyembro ng Multi-Sectoral Forest Protection Committee na itinatag upang pangalagaan ang yamang kagubatan ng San Nicolas.

Ang komiteng ito ay binubuo ng mga sumusunod na ahensya ng gobyerno at mga non-government organizations: Department of Environment and Natural Resources, Local Government Unit ng San Nicolas, Philippine National Police, Department of Education, Bureau of Fire Protection, National Commission on Indigenous Peoples, Tribal Council of Indigenous Peoples, at mga samahan ng mga magsasaka.

Ayon sa alkalde, โ€œAng paglagda sa MOA na ito ay simbolo ng aming pagmamahal, dedikasyon, at determinasyon upang maiwasan at makontrol ang mga pinsalang dulot ng mga kalamidad at iligal na aktibidad sa ating mga kagubatan.โ€

Bukod sa paglagda ng MOA, napag-usapan din ang pagkakaroon ng mga pagsasanay mula sa TESDA sa Electrical Installation and Maintenance at Shielded Metal Arc Welding, na may layuning bigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga tao na ang pangunahing ikinabubuhay ay nakasalalay sa pag-uuling at pagtrotroso.

#PaglagdaNgMOA

#MultiSectoralForestProtectionCommittee

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *