Ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ay nakikiisa sa lahat ng mga mananampalatayang Katoliko sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Immaculate Conception ng Birheng Maria.

Isang mabuting halimbawa si Birheng Maria sa kung ano ang magagawa ng Diyos sa ating buhay lalo na kung ilalagay natin ang ating sarili sa mga kamay Niya— maglilingkod sa Kaniya, laging bukas sa kung ano ang hinihiling Niya, at laging naghahangad na matupad ang kalooban ng Diyos.

Bilang pagkilala sa Immaculate Conception ni Birheng Maria, inaanyayahan namin ang lahat na magsindi ng kandila ngayon. Ang bawat vigil candle ay kumakatawan sa pananampalataya ng mga nagsusumamo at sa kanilang taimtim na panalangin na ipinagkatiwala sa pamamagitan ng Mahal na Ina.

#FeastOfTheImmaculateConceptionOfMary#8thOfDecember#MamaMaryPleasePrayForUs#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon