Sa pagpapatuloy ng 2023 Pamaskong Handog Para Sa Mga Mag-aaral ng San Nicolas, personal na naghatid ng school t-shirts kahapon, Nobyembre 21 mula alas-dos y medya hanggang alas-kuwatro si Mayor Alice sa limang elementary schools (ES) sa Northern Ambayoan.

Nasa 443 mag-aaral ng Calanutian ES, Cabuloan ES, Camindoroan ES, Sto. Tomas ES, at Malilion ES ang pinasaya ni โ€˜Mayor Santa Clausโ€™ at ng kaniyang โ€˜elvesโ€™ na hindi maitago ang kilig at kagalakan nang makita ang kanilang mga iniidolong public servant.

Nagpasalamat naman ang mga guroโ€™t magulang dahil sa pagtataguyod ng LGU San Nicolas ng ganitong programa na makapagtataguyod sa seguridad at pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa paaralan.

#TshirtDistribution#2023PamaskongHandog#ChildDevelopmentCenters#ElementarySchools#GiftsOfLove#MayorSantaClaus#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed