Kaalinsabay ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pansanlibutan, ang Iglesia ni Cristo ay nairehistro sa pamahalaan ng Pilipinas noong Hulyo 27, 1914. Ngayong araw, ipinagdiriwang ng ating mga kapatid ang kanilang ika-110 anibersaryo.
Hindi maikakaila ang pamana ng Iglesia ni Cristo bilang isang kawan ng Diyos na mahigpit na pinanghahawakan ang mga pangunahing paniniwala nito habang naglalakbay pa sa magulong sanlibutan. Sa napakaraming pagkakataon nila napatunayan sa pamamagitan ng kanilang EVangelical Missions, Lingap sa Mamamayan, INCGiving Projects, at napakaraming mga gawaing pagpapatibay sa pananampalataya na tunay silang kaisa ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo.
Nakikiisa ako at ang buong pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pagdiriwang ng Iglesia ni Cristo. Nawa’y makarating ito sa uring sakdal o karapat-dapat sa kaligtasan na napakadakilang layunin ng Diyos para sa Iglesia. Panghawakan ninyo ang inyong kahalalan upang patuloy na malugod ang ating Amang nasa langit.
𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝟏𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐀𝐧𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲, 𝐈𝐠𝐥𝐞𝐬𝐢𝐚 𝐍𝐢 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨!
~𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐜𝐢𝐚 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞𝐳
#IglesiaNiCristo#110YearsOfGodsLove#Happy110thAnniversary#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride