Hindi na kailangang maglakad ng isaβt kalahating oras ng mga estudyanteng Indigenous People (IP) ng San Felipe Integrated School (SFeIS) dahil handog ng pamahalaang lokal ng San Nicolas ang dalawang unit na dormitoryo sa kanila.
Ang ipinapatayong 42 metro kuwadradong dormitoryo ay may sariling banyo at lababo bawat unit upang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga nasa 20 mag-aaral na IPs mula sa Sitio Kabayabasan, Brgy. San Felipe East.
Ayon kay π. ππͺπΏπ²π ππΎπ»πΎπ°πͺπ·πͺπ·, punong guro ng SFeIS, maiibsan na ang pangamba nilang mga guro at magulang sa tuwing naglalakbay ang mga mag-aaral patungo at pauwi mula sa eskuwelahan lalo naβt maulan at delikado rin ang daan sa nasabing sitio.
βMalaki ang epekto ng distansiya ng bahay ng mga batang ito sa kanilang school attendance. Karamihan sa mga kalalakihan ay nagbo-board pa sa malalapit na boarding house. Pansamantala, dalawang bakanteng classrooms ang ginagamit ng ibang IP learners bilang bahay-panuluyan, ngunit nakikita kong hindi ito safe para sa kanila,β paliwanag ni Puruganan.
Dagdag pa niya, malaki ang pasasalamat nila sa LGU San Nicolas sa napakagandang proyektong ito kung kayaβt bilang counterpart ng eskuwelahan, kukuha sila ng guwardiya upang mabantayan ang mga bata lalo na sa gabi.
βSa susunod na taon, magpapatayo tayong muli ng dalawang unit upang maiwasan ang siksikan at mas maging komportable ang mga IPs habang nakatira sa dormitory,β pangako ni Mayor Alice.
#Phase1#IPDormitory#SanFelipeIntegratedSchool#IndigenousPeopleLearners#SupportToEducationSector#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride