M๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐ž๐ฒ๐ง๐จ๐ญ๐ž ๐’๐ฉ๐ž๐ž๐œ๐ก ๐ง๐ข ๐‡๐จ๐ฐ๐ข๐ž ๐’๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ข๐ง๐จ

Naimbag nga bigat!

Isang mainit na bati sa inyong lahat.

Paumanhin at limitado pa po ang aking wikang Iloko kahit Ilokana po ang aking ina, na taga Ilocos Sur.

Dahil Tagalog po ang aking ama, Tagalog po ang wika namin sa bahay, maliban lang sa mga salitang madalas kong marinig mula sa aking Ilokanang ina nung akoโ€™y bata pa, tulad nalang ng โ€˜dugyotโ€™ at โ€˜natangsitโ€™, at minsan โ€˜bagtitโ€™.

Ito po ang unang punta ko sa San Nicolas at masaya ako โ€“ itoโ€™y iba sa Pangasinan na alam ng marami, yung Pangasinan ng dalampasigan at ng asin na nagbigay ng pangalan sa inyong probinsya.

Kayo ang Pangasinan ng kabundukan, isang bayan na tatawaging โ€˜napintasโ€™ ng aking ina.

Ang nagparating sa akin dito ay isa niyong kababayan na naging bayani sa ibang bansa. Si Larry Dulay Itliong. Tila ngayon lang siya nakikilala sa tinubuang lupa niya, pero siyaโ€™y isang dakila na dapat niyong ipagmalaki!

Tulad ng maraming Pangasinense, nagmigrante si Larry upang maghanapbuhay. Kinse anyos lamang siya noong dumating sa America, ngunit baon na niya ang tapang at malasakit na namana niya sa kanyang mga ninuno sa bayang ito. Tulad ng maraming Pilipinong nag-iibang bayan hanggang ngayon, umalis siya upang makatulong sa pamilya at dahil kulang ng oportunidad sa bayang tinubuan.

Masipag si Larry, nagtrabaho sa California sa ilalim ng mainit na araw sa malalawak na taniman ng ubasโ€ฆ at sa Alaska sa mga pabrika ng paglalata ng isda, kung saan nawalan siyang tatlong daliri sa isang aksidente. Kaya nabansagan siyang โ€œSeven Fingers.โ€

Ngunit, bukod sa sipag, napuno rin si Larry ng awa para sa kapwa mangagawang Pilipino sa America.

Naging labor lider at matagal naglingkod sa komunidad ng mga Pilipino sa America. Mahusay makisama si Larry at nakumbinsi ang mga mangagawang Mexicano sa California noong dekada sesenta na magbuklod kasama ang mga Pilipino upang lalong lumakas ang hanay nila sa pakikibaka para sa kanilang karapatan. Noong araw, ang mga mangagagwa sa bukid sa America ay tumatanggap ng mas mababa pa sa minimum wage na nakalaan sa batas.

Hindi yun masikmura ni Larry at sa kanilang pagwewelga at negosasyon nagtagumpay sila sa wakas at napanalunan nila ang karapat-dapat sa kanila.

Walang tigil ang paglilingkod ni Larry para sa kapwa, hanggang siyaโ€™y mamatay sa edad na sesentaโ€™y tres, bata pa pero ang daming nagawa.

Siya ngayon ang kinikilalang isa sa mga ama ng kilusan ng manggagawa sa California. Lahat ng mga Pilipinong naghahanapbuhay ngayon sa California ay nakikinabang sa sakripisyo at pakikibaka ni Larry.

Matagal nang may Larry Itliong Day sa California dahil sa kanyang ambag sa kasaysayan ng America. May paaralan at tulay na ipinangalan sa kanya doon. May mga mural kung saan nandoon siya. May dula, pelikula at libro tungkol sa kanya. At may dokumentaryo na gawa ng sikat ng Pilipinang dokumentarista sa America, na si Marissa Aroy.

Sa wakas, kinikilala na rin siya rito sa kaniyang bayang tinubuan. Isa siya sa mga dakilang Pilipino na kahit nasa ibang bansa na, hindi tumitigil ang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino.

Anong aral ang maaaring ibahagi ng kaniyang buhay sa inyo, sa ating lahat?

Una, manindigan para sa prinsipiyo. Huwag magpaapi.

Pangalawa, magbuklod, mag-organisa. Mas malakas at mas magtatagumpay kapag organisado.

Pangatlo, sikapin natin sa bayang tinubuan na pagbutihin ang buhay natinโ€ฆ para lahat tayo umasenso upang hindi na kailangan mangibang bayan para maging Larry Itliong sa labas ng bansa.

Dito tayo manindigan. Dito tayo magsumikap. Dito tayo magmalasakit. Dito tayoโ€ฆ maging mga Larry Itliong sa San Nicolas, Pangasinan.

Maraming salamat, at mabuhay tayong lahat!

#LarryItliongDay#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon