Muling nabigyan ng hybrid rice seeds ang nasa 1, 647 na magsasakang San Nicolanians bilang pagtugon sa layunin ng administrasyong Marcos Jr. na lalo pang pasiglahin ang agrikultura at gawin itong pangunahing tagapagtaguyod ng kaunlaran at kabuhayan sa bansa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Alice sa Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨𝐩𝐡𝐞𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐪𝐮𝐢ñ𝐚 dahil sa naging maayos at sistematikong distribusyon ng rice seeds noong Setyembre 12.
Dagdag pa ng alkalde, patuloy na nagagagalak ang kaniyang puso dahil sa tulong ni 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐲𝐧 𝐋. 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐢𝐜𝐢𝐚𝐬-𝐀𝐠𝐚𝐛𝐚𝐬, natutugunan ang food security o sapat na suplay ng pagkain at kahirapan at nakakamit ang sustainable growth sa pagpapaigting ng farm income at productivity.
Ang National Rice Program ay tumutugon sa pagsasaka ng palay at pagpapaangat ng buhay ng mga magsasakang San Nicolanian.
#Farmers#DepartmentofAgriculture#HybridRiceSeeds#WetCroppingSeason#ParaSaKuwalipikadongMagsasakaNgSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride