Puspusan na ang paghahandang isinasagawa ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alice para sa Marian Pilgrimage na idaraos sa Brgy. Malico ngayong Mayo 2024.

Sanib-puwersa ang 27 personnel at officials mula sa Mayor’s Office, Municipal Engineering office sa pangunguna ni Engr. Normandy Flores, PNP San Nicolas sa pamumuno ni PCPT George Banayos, Municipal Tourism Office, Rural Health Unit, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, at ang Malico Barangay Council kasama sina former councilor Raymond Prestoza at stage decorator, Jeffrey Aquino sa kanilang pagpupulong noong Abril 15 at 24, at onsite planning noong Abril 27.

Ang Marian pilgrimage ay isang espirituwal na paglalakbay sa isang nakatuong santuwaryo upang madama ang presensya ng Birheng Maria. Maaaring maganap ang Marian pilgrimage kahit saan, ngunit para sa mga Katoliko, kadalasang nagaganap ang paglalakbay sa isang banal na lugar, outdoor space o malapit sa bahay upang maranasan ang Diyos sa kakaibang paraan.

#MarianPilgrimage#Preparations#OnsitePlanning#Malico#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon