Kasabay ng pagbubukas ng Agpay Ecotourism Park, ang Mayor’s Cup Inter-District Volleyball Tournament 2023 ay magsisimula rin ngayong araw, Disyembre 9 sa unang round na laban na gaganapin sa mismong ecotourism park sa Brgy. San Felipe East.

Pagkatapos ng misa na pangungunahan ni Fr. Farley Castro, magkakaroon ng simpleng programa at Zumba dance bago opisyal na simulan ang volleyball tournament na inaasahang magpapalakas sa sports tourism sa bayan ng San Nicolas.

Sa isang hiwalay na seremonya, pinagkalooban ng libreng jersey ang lahat ng volleyball players at personal na kinumusta ng mga lider ng bayan sa pangunguna nina Mayor Alice at Vice Mayor Alvin Bravo.

Sa unti-unting pagbabalik ng turismo, sinisikap ng pamahalaang lokal ng San Nicolas na magsagawa ng iba’t ibang mga kaganapan at aktibidad na nag-aalok sa iba’t ibang mga turista at mga lokal ng kakaibang experience lalo na sa sports na kinagigiliwan ng karamihanโ€”ang volleyball.

#MayorsCup#InterDistrictVolleyballTournamet#GrandOpening#SportsTourism#AgpayEcotourismPark#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon