๐พ๐๐ก๐๐ค๐๐๐ฃ ๐ฝ๐๐๐ค๐ฃ๐๐ ๐พ๐ฟ๐พ ๐๐ฃ ๐๐ค๐๐ช๐จ
Dagdagan pa natin ang access ng mga bata sa mga ligtas na kapaligiran at itaguyod ang kanilang psychosocial na kagalingan. Kinakailangan nila ang mga ito para sa kanilang pag-unlad at pagtatagumpay sa hinaharap.โ
Ito ang naging pahayag ni Mayor Alice nang bisitahin niya ang Calaocan Child Development Center at inspeksyunin ang bagong proyektong hatid ng pamahalaang lokal ng San Nicolasโang bagong floor tiles at bagong pintura at gawang kisame.
Ang 157.66 metro kuwadradong proyektong ito ay sumasalamin lamang sa adhikain ng alkalde na magkarooon ng mga lugar sa bayan kung saan protektado ang pisikal, sosyal, at emosyonal na aspeto ng mga batang mag-aaral.
โAng pangangailangan na maging ligtas at maging child-friendly ang isang lugar ay mahalaga sa lahat, ngunit lalo na ang mga bata na kailangang maramdaman ito. Ang mga bata na nakakaramdam ng koneksyon at kasiyahan ay pag-aaral ay isang magandang indikasyon na natututo sila sa isang โsafe learning environmentโ,โ dagdag pa ng alkalde.
Nagpaabot naman si ๐ฃ๐ฎ๐ช๐ฌ๐ฑ๐ฎ๐ป ๐๐ธ๐ป๐ช๐ต๐ ๐๐ช๐ป๐ช๐ถ๐ฒ๐ธ kasama ang mga bataโt magulang ng nasabing center ng pasasalamat sa pamahalaang lokal ng San Nicolas lalong-lalo na kay Mayor Alice sa kaniyang proyektong tunay na nagpaligaya sa kanilang lahat.
#CalaocanChildDevelopmentCenter#CeilingInstallationwithPaint#FloorTiles#LearnerFriendly#BansangMakabata#BatangMakabansa#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride