Dahil sa mga kaloob na kagamitang makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa bayan ng San Nicolas, nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Alice kay ๐‚๐จ๐ง๐ . ๐Œ๐š๐ซ๐ฅ๐ฒ๐ง ๐‹. ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฌ-๐€๐ ๐š๐›๐š๐ฌ at sa Department of Health sa naganap na turnover ceremony sa Brgy. Nagkaysa.

โ€œMaraming salamat sa programang tumutuon sa pagpapaunlad ng mga pasilidad ng pangunahing pangangalaga. Tungkulin ng barangay health stations na magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga nasasakupan nito sa libre at magbahagi ng mga impormasyong pangkalusugan para sa ikabubuti ng residente. Napakalaking tulong ng packages na ito upang magawa ng health stations ang kanilang tungkulin,โ€ pahayag ng alkalde.

Personal na iniabot ni Cong. Marlyn kasama sina Mayor Alice, Vice Mayor Alvin Bravo, Municipal Councilors Queen Descargar, Kiko Bravo, Jairus Dulay, Pedrelito Bibat at Jun Serquiรฑa ang fetal doppler, weighing scale with BMI calculator, dressing cart, instrument cabinet, examining table with stirrups, medicine cabinet, minor surgical set, mechanical bed 3 cranks, EENT diagnostic set, infant weighing scale, at spine board sa Brgy. Nagkaysa.

Nangako naman si Mayor Alice na maglalaan siya ng panahon upang makapagsagawa ng orientation ang barangay health workers upang magkaroon sila ng komprehensibong kaalaman sa wastong pagggamit ng mga nasabing equipment.

#LenCares#TogetherWeServe#PrimiciasAgabasCares#ThankYouDepartmentofHealth#ThankYouCongMarlyn#EffectiveMedicalServicesinSanNicolas#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon