Tila Santa Claus si Mayor Alice nang mamahagi siya ng school T-shirts kahapon ng umaga, Nobyembre 21, bilang bahagi ng 2023 Pamaskong Handog Para Sa Mga Mag-aaral ng San Nicolas.

Umabot sa 705 mag-aaral mula sa walong child development centers (CDC) at elementary schools (ES) ang nahatiran ni β€˜Mayor Santa Claus Alice’ kasama ang kaniyang β€˜elves’—ang mga respetadong miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Alvin Bravo.

Mula alas-otso hanggang alas-onse y medya, naghatid ng ibayong saya’t tuwa si Mayor Santa Claus sa mga mag-aaral, mga magulang, at guro ng Cherry Blossom CDC, Don Cristobal ES, Ilang Ilang CDC, Sunflower CDC, Bulangit ES, Marigold CDC, Daisy CDC, at San Felipe Integrated School

β€œNakakawala ng pagod ang makitang masayang-masaya ang mga batang mag-aaral habang tinatanggap ang maagang pamasko ng pamahalaang lokal ng San Nicolas sa kanila. Nawa’y maging inspirasyon nila ito upang pagbutihin pa ang pag-aaral upang maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay,” saad ni Mayor Alice.

#TshirtDistribution#2023PamaskongHandog#ChildDevelopmentCenters#ElementarySchools#GiftsOfLove#MayorSantaClaus#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon